Archive for rantings

pArA sA ‘yO…

ang rosas ay madalas na iniaalay natin sa mga taong mahalaga sa tin. kapag tayo’y nakakatanggap nito, gandang-ganda tayo. inaamoy-amoy pa natin at inilalagay pa natin sa pinakamagandang “vase” para maipagmalaki natin o para makita rin at hangaan ng ibang tao. ang malungkot lang ay sa paglipas ng ilang araw, nawawala ang ganda nito. nauubos ang halimuyak at natutuyo sa kinalalagyan. masaklap lang malaman na para sa ibang taong nakatanggap ng mga rosas, itatapon na lang nila ang mga ito at lilimutin ang tuwang naibigay nito sa kanya kahit sa maikling panahon lang. kung nakakapagsalita lang ang mga ito, marahil ay pinasalamatan naman nila ang ibang napag-alayang itinago ang bawat talulot at dahon nito at patuloy na inaalala ang sayang dinala ng mga ito.

sana ang bawat isang taong totoong nagmamahal ay makatagpo ng isang taong magpapahalaga sa kanya ng tunay at walang halong panlilinlang. walang taong nagmahal na hinangad masaktan sa huli. kung pwede lang lahat ay “happy ending,”  pero sa totoong buhay, andyan yung mga taong tatalikuran ka, iiwan ka, at papa-asahin ka. walang masama kung patuloy mo silang mamahalin- pero matutulad ka lang sa naunang rosas na naitapon lang at nilimot sa paglipas ng panahon.

hindi ka rosas, tao ka. may isip at kakayahang humusga.

Pa’no kung…?

Pano kung nalimot na kita?
Masasaktan ka ba o matutuwa dahil sa wakas ay tapos na?
Pano kung kaya ko nang wala ka?
Hahabulin mo ba ‘ko o hahayaang maglakad mag-isa?
Pano kung hindi?

Pano kung mali ako?
Maitatama ko pa ba lahat ng ito?
Pano kung mali ka?
Masasabi mo pa bang “pasensya na?”

Pano kung masaya na ko?
Magagalit ka ba o matutuwa?
Pano kung tinalikuran ko na ang kahapong pinagsamahan?
OK lang ba o manunumbat ka pa?

Pano kung makita kita?
Lalapit ka ba o iiwas na lang?
Pano kung may kasama pa ako?
Babati ka ba o tuluyang lalayo?

Pano na?
Saan na pupunta?
Pwede bang sa ki’y magpaliwanag ka?
Ayoko na rin pala
Baka kung san pa mapunta
Mabuti nang mawala na’ng lahat
Kesa pagsisihan pa.

“hush”

Have you ever had that feeling of being torn in between? i mean, that moment when you have got to choose between speaking up the truth and doing the right thing (well, sounds confusing especially the latter but it did happen to me).

i tried to keep silent, but all eyes are on me. the pressure is hyped up and it leaves me even more uptight and cold. nevertheless, i spoke the truth. i felt guilty. a villain with a conscience.(how’s that for a mean girl?!)

there are still other stuffs goin on in my head. i wish i could shout them out and nobody would mind. life…life…life…..wish i could live it.

victim

how come people judge other people easily? i mean, i dont consider myself perfect. i myself am guilty of just sitting anywhere, looking at passersby and mocking those who are not very “pleasant-looking.” but there are more people who easily jump into conclusions- those who haven’t even heard of the story yet. those who believe in lies by mere sight.

just had to share. i know we are all victims of prejudice. there’s no stopping this menace!