pArA sA ‘yO…

ang rosas ay madalas na iniaalay natin sa mga taong mahalaga sa tin. kapag tayo’y nakakatanggap nito, gandang-ganda tayo. inaamoy-amoy pa natin at inilalagay pa natin sa pinakamagandang “vase” para maipagmalaki natin o para makita rin at hangaan ng ibang tao. ang malungkot lang ay sa paglipas ng ilang araw, nawawala ang ganda nito. nauubos ang halimuyak at natutuyo sa kinalalagyan. masaklap lang malaman na para sa ibang taong nakatanggap ng mga rosas, itatapon na lang nila ang mga ito at lilimutin ang tuwang naibigay nito sa kanya kahit sa maikling panahon lang. kung nakakapagsalita lang ang mga ito, marahil ay pinasalamatan naman nila ang ibang napag-alayang itinago ang bawat talulot at dahon nito at patuloy na inaalala ang sayang dinala ng mga ito.

sana ang bawat isang taong totoong nagmamahal ay makatagpo ng isang taong magpapahalaga sa kanya ng tunay at walang halong panlilinlang. walang taong nagmahal na hinangad masaktan sa huli. kung pwede lang lahat ay “happy ending,”  pero sa totoong buhay, andyan yung mga taong tatalikuran ka, iiwan ka, at papa-asahin ka. walang masama kung patuloy mo silang mamahalin- pero matutulad ka lang sa naunang rosas na naitapon lang at nilimot sa paglipas ng panahon.

hindi ka rosas, tao ka. may isip at kakayahang humusga.

Leave a comment