Kita mo naman ang title ko, diba? Hindi sa kung ano pa mang dahilan, pero ito ang famous line/ question namin nung araw na iyon nang magpunta kami sa SM Mall of Asia… kAmi: ng kaibigan kong may sayad.
Papunta pa lang sa mall ay nag-enjoy na kami sa hanep na tugtugan ng “The Killers.” Excited ako kasi pupuntahan ko ang isa pa sa mga malalapit kong kaibigan! Yehey (sa umpisa)! Ayun na nga… drayber nya ko, pasahero ko sya. Panay ang hirit at pag-iinarteng retard sya! Ewan ko ba sa tinagal ng buhay ko dito sa mundo, mababaw pa rin ang kaligayahan ko: na-didistract ako sa mga kalokohan ng kasama ko- maganda sana, may tama lang!!! Hahaha! isipin ko lang sya, nakukurta utak ko!
Eto na… Ang SM Mall of Asia. Pinakamalaki sa Asya (malamang!!!). Pangatlong beses ko nang nagagawi roon pero ang baliw ngayon pa lang. Hindi sya nagpahalatang excited.
First destination: The Picture Company. Dito nag-t-trabaho ang kaibigan ko… Pag silip pa lang namin sa stall, “ayun na sya!!!” Ganda ng ngiti ko! Sabay sumimangot ang kaibigan ko…. 😦 Ok lang, sabi ko sa sarili. Baka nag-d-drama lang. Medyo napa-aray ako ng kaunti nang makaharap na sya. Mukhang totoo ang nakikita ko. Ayun, sa pag-aakalang makakapag-kwentuhan pa kami’y naghintay kami ng kasama kong baliw sa loob. Wehehehe…. ZzZZZzzzzZ…. YUn lang. Umalis na kami.
Lakas loob naming inikot ng baliw ang mall (parang wild)… Malawak talaga. Lakad lang kami ng lakad. Pareho kaming walang pera. Pero tawa ng tawa!!! na-i-spot-an namin ang bantog na CD-R King.. Pumasok kami para bumili ng CD para sa presentation ng isa ko pang kaibigan ngunit gaya ng nauna, naghintay lang kami sa wala. Chismosa ang tindera. Dinedma kami. Sabi ko’y babalik na lang kami- sayang lang ang galit ko.
May kalakasan ang “industrial fan” sa mall na iyon! wehehehe! palibhasa’y may mga parteng walang bubong. hahahah!!! nagulo ng buhok namin! shet…sige lang- nag-titingin-tingin kami sa mga kainang ginagawa pa lang, gawa na pero walang tao, may ibang may kaunting tao- pero napansin ko lang: Jollibee pa rin ang dinudumog! Marami kasing masa…Aywan ko ba! mga Pilipino talaga, takot sumubok ng bago! kaya naman kami nagtitingin-tingin ay para makakuha ng ideya sa project ng baliw. Nakakaloka talaga!
Naikot namin ang North and South Wings ng mall!!! yehey!!! tagumpay! Nakapag-reminisce pa ang isip bata nang makita ang Filbar’s. Adik pala ang loko sa Komiks! At dahil kapus kapalaran kami ng araw na yun, hanggang tingin lang sya… awwww… madaling salita: naglaway at napagod lang kami. nagutom. alas-otso na. so ano pa ba?! lafang time na!!! Sa Greenwich na kami kumain. Isang Lasagna (hati kami), isang large Coke Light (inisip kong hati na lang din kami pero ayaw nya pala.. kaya may isa na ring baso ng tubig).
Ayus.. pag-upo namin sa couch-like seats ng restawran na ito, doon na tuluyang nasiraan ng bait ang kasama ko. sukat ba namang itanong ang: “Date ba ito?” Hahaha!!! nakakatawa! kung pwede lang humagalpak. pero indi…
Sa hapag: unang dumating ang kakarampot na Lasagna, Tubig at Coke Light. Sinimulan na ang pagkain. Naisip pa ng mokong na baka raw maawa sa min ang mga tao dahil naghahati pa kami sa maliit na pastang iyon. Oo nga- medyo na-ten ako.. hihihihi!!! pero may number pa pala kami… nakalimutan kong may Double Pizza pa kaming darating.
Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad ulit kami. “A Walk in the Park” ang drama habang inaabuso ang mga baga… “Uy! may show!!!” ano raw ang pangalan ng band? “A Glimpse of Australian Indigenous Chorva!!!” What the f***?!?!? Pagkakita namin sa mga tutugtog- ay naku, tinamaan ng magaling! Sa walong musikero, isa lang ang Aussie. lahat Pinoy! Di pa kabisado ng vocalist ang pangalan ng grupo nya kaya sumusulyap pa sa likuran. Hayan. Tapos na sila magpakilala. SHow time na!!!
‘INTRO: (drum beat)’ unti-unting sinasabayan ng iba pang instrumento.
‘(Pasok ang bokalista ngayon) Waaaaaa~~~~~aaaaaaahhhH~~~~~~(tuloy ang tugtugan pero parang may problema)
‘(sumesenyas ang drummer na Puti na parang wala syang marinig. gumaya ang bokalista pati na yung iba sabay sabing: WAIT!!!)’
-nawalan na ako ng gana. ewan ko sa katabi ko…. unti-unting naglaho ang mga tumutugtog sa stage. sinugod na ng bokalista ang mga sound engineers.
Naalala ko: may project pa ko!!! Wala pa kong CD!
Nilayasan namin ang show. gaya ng pagwalk-out nila sa min. balik kaming CD-R King. bumili ng CD sabay umuwi na….
NaTapos ang araw… Mahaba pa ang gabi…kahit pagod kami, masaya naman. di ko ‘to pagpapalit sa pagreresolba ng problema ko sa sound card (syempre ibang kwento naman yun).
Tatandaan ko ‘tong DATE na ito!!!! (Friday, July 7, 2006)